MAY JOWA O KA-CHAT? BAWAL ANG SOLO PARENT ID – Social Welfare Bulacan

Isang separada ang lumapit sa investigative public service program ng BITAG Multimedia Network (BMN) para ireklamo ang hindi pagbibigay sa kanya ng Solo Parent I.D. ng City Social and Welfare Development (CSWD) ng San Jose del Monte, Bulacan, dahil mayroon daw itong ‘jowa’ o boyfriend.

Sumbong ni Christine Joy Gari, 31, sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, nung una pa lamang aniya ay tila dini-discourage na siya ng mga opisyal ng CSWD.

Ayon kay Christine, binabalaan din siya ng staff ng ahensya na makukulong ito sakaling makipag-usap pa siya sa kanyang dating asawa oras na maisyuhan na siya ng Solo Parent I.D.

Si Christine ay dating empleyado ng isang BPO company. 12 taon nang single mother matapos makipaghiwalay sa kanyang asawang nangaliwa.

May anak siyang inaaruga na 15 at 13 years old, kaya malaking tulong sana sa kanya kung makakuha ng Solo Parent I.D. dahil sa mga pribilehiyo at benepisyong matatanggap niya sa gobyerno.

Hindi rin aniya sumasapat ang P1,000 na sustento ng kanyang dating asawa para sa panggastos ng kanyang dalawang anak.

Kaya naman sakaling makakuha ng Solo Parent I.D., mabibigyan ito ng extra leave sa trabaho at tatanggap din ng iba’t ibang ayuda at pribilehiyo sa gobyerno.

Pero sabi raw ng CSWD, bawal mag-boyfriend ang mga tatanggap ng Solo Parent I.D.

Bawal din daw makipag-chat sa boyfriend o ka-live in. Bawal din dumalaw sa kanyang boyfriend.

Bawal nga ba ang mga ito??? Ang pagtutok at pag-aksyon ng nag-iisang investigative public service program PambansangSumbungan: #ipaBITAGmo, panoorin:

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x