MENTALLY DISABLED JAPANESE COUPLE, NAGPAKASAL

Isang Japanese couple na parehong may intellectual disabilities ang nagpakasal sa kabila ng pagtutol ng kanilang pamilya at ibang mga tao.

Pinatunayan nina Shunsuke Watari at Kikuyo –parehong edad 62 at may mild mentalimpairment –na hindi hadlang ang kanilang kalagayan upang pumasok sa isang relasyon at magmahal.

“There are quite a few things we can do on our own if we try,” wika ni Shunsuke sa Kyodo News. “Instead of unilaterally deciding ‘No,’ we want people to explain to us why something cannot be done.”

Nag isang dibdib ang dalawa noong November 22, 2022 sa mismong kaarawan ni Shunsuke, sa kabila ng pagtutol ng kani-kanilang mga pamilya.

“They fiercely opposed the idea. They told us, ‘It’s impossible for the two of you to live together,'” ani Shunsuke

Tatlong dekada na ang nakalilipas nang unang makilala ni Shunsuke ang kanyang kabiyak na si Kikuyo sa tulong ng kanilang mga kaibigan at kakilala. 

Aniya, mas tumibay ang kanilang relasyon nang magsimula silang magtrabaho sa isang youth group na may layuning suportahan ang mga magulang na may mentally disabled children.

“We learned all sorts of new things from our club activities, which gave us the confidence to think that there are many things that we can do independently,” ani Shunsuke. 

Kasalukuyang nakatira sina Shunsuke at Kikuyo sa isang apartment sa Nagoya, Central Japan.

Namamasukan bilang Janitor si Shunsuke sa Nagoya City water department habang si Kikuyo naman ay nagtratrabaho sa isang workshop.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x