MGA PINOY NA MANGINGISDA, NAG BUWIS-BUHAY NA, NILOKO PA

Bata pa lang, pangarap na nina Jeovane Dago-oc at Kerwin Baygan ang maging seaman upang makatulong sa kanilang pamilya.

Kaya naman ng mabigyan ng pagkakataon na makasampa sa barko bilang mangingisda, ibinuhos nila ang kanilang sipag sa pagta-trabaho sa barko.

Ngunit hindi nila inasahan na makakaranas sila ng panloloko mula sa kanilang Taiwanese employer. Walong buwan silang hindi sinahuran sa kanilang pagtatrabaho.. 

Taong 2019 nang idinulog nina Jeovane at Kerwin ang problemang ito sa BITAG Action Center.

Salaysay ng dalawa kay Mr. Ben Tulfo, umaraw man o bumagyo tuloy ang kanilang trabaho sa panghuhuli ng isda. Halos gawin na daw silang alila ng Taiwanese employer na To Yu Ocean Enterprise Co., Ltd.

Umapela din sa BITAG ang manpower agency ng mga Pinoy na mangingisda, sila rin ay biktima rin ng nasabing Taiwanese company.

Kwento ng agency sa BITAG investigator, maging sila nalubog sa utang sa ginawa ng employer.

“Ang dami talaga namin naging problema sa mga principal gaya nila. Itong To Yu Ocean Enterprise kasi fishing vessels ang hawak nila kaya lang bigla silang nawala, niloko nila ang mga crew, everytime na may uuwing crew, papupuntahin sa kanila, pinapasa sa amin,” pahayag ng isang empleyado ng agency.

Nangako naman ang agency na gagawin nila ang lahat, mabayaran lang ang mga pobreng mangingisda.

Panoorin ang buong imbestigasyon sa BITAG Youtube channel sa link na ito:

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x