Pasok na ang Miami Heat sa NBA Finals.
Tinambakan ng Heat ang Boston Celtics, 103-84 sa Game 7 ng kanilang Eastern Conference Finals Martes (May 30) sa TD Garden sa Boston, Massachusetts.
Panalo sa series ang Miami, 4-3.
Bida sa Heat si Jimmy Buttler na kumamada ng 28 points habang 26 markers naman ang kontribusyon ni Caleb Martin. Kakalabanin ni Miami ang Denver Nuggets sa NBA Finals. Lalaruin ang Game 1 ngayong Biyernes sa Ball Arena, ang homecourt ng Denver sa Colorado.