Tabla na ang NBA Finals series sa pagitan ng Miami Heat at Denver Nuggets.
Wagi ang Miami, 111-108 sa Game 2 ng Best-of-7 title series na ginanap Lunes ng umaga sa Ball Arena, ang homecourt ng Denver sa Colorado.
Topscorer sa Heat si Gabe Vincent ns kumamada ng 23 points sa 4-of-6 shooting sa three-point area.
Nasayang naman ang 41-point performance ni two-time MVP Nikola Jokic.
Wagi ang Denver sa Game One noong Biyernes at dahil nasungkit ng Miami ang Game Two, table na ang series, 1-1.Lalaruin ang Game 3 sa Huwebes sa homecourt ng Heat sa Kaseya Center sa Miami, Florida.