Ginawang inspirasyon ng San Miguel Beermen ang kanilang mapait na pagkatalo sa East Asia Super League Champions week ng talunin nila ang NLEX Road Warriors 120-106.
Sinabi ni Coach Jorge Gallent ng SMB na isang bounce-back game ang nangyari dahil sa naranasan nilang pagkatalo sa kamay ng Anyang KGC matapos tambakan ng 55 points.
“I just wish we did better. But really it was a lack of time and preparation. So really had a hard time,” Saad ni Gallent.
“I’ve talked about it when we lost in Japan and then I stopped there. So the games in Japan stayed in Japan. We’re in the Philippines now, so we’ll just focus on the PBA,” dagdag na sinabi ni Gallent.
Sa huli ay nakabawi ang SMB kontra NLEX kung saan ay na selyado nila ang Twice-to-Beat advantage para sa paparating na quarterfinals.
Nanguna para sa Beermen ang kanilang import na si Cameron Clark na nakagawa ng 45 points at 17 rebounds.