MRT, LRT 1, AT LRT 2, NAG –ANUNSYO NG SCHEDULE SA PAPARATING NA SEMANA SANTA

Naglabas ng anunsyo ang Metro Rail Transit, Light Rail Transit 1, at Light Rail Transit 2 kasunod ng paparating na semana santa sa susunod na buwan.

MRT-3: Walang byahe ang kanilang tren mula April 6 hanggang April 9, 2023. Balik operasyon ang MRT3 sa April 10.

LRT LINE 1: Walang byahe ang kanilang tren mula April 6 hanggang April 9, 2023. Balik operasyon ang LRT LINE 1 sa April 10.

LRT LINE 2: Magkakaroon ng limitadong oras ng byahe ang tren sa Holy Wednesday, April 5, hanggang 7pm, ang parehong ruta sa Antipolo at Recto. Pansamantala ding magtitigil operasyon ang LRT Line 2 mula April 6 hanggang April 9, 2023. Balik operasyon naman ang Line 2 sa April 10.

Parehong dahilan ng MRT, LRT 1, at LRT 2 kaugnay sa pansamantalang tigil operasyon ng byahe ay upang magawa ang holy week maintenance.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x