NAKA-ISA ULIT ANG BOSTON CELTICS

Hindi pa din sumusuko ang Boston Celtics.

Sumandal ang Celtics sa mainit na scoring nina Derrick White at Marcus Smart para talunin nila ang Miami Heat, 110-97 sa Game 5 ng NBA Eastern Conference Finals Biyernes ng umaga sa sa Boston.

Kumamada si White ng 24 points sa pagtikada ng anim na three-pointers habang 23 points at five steals ang kontribusyon ni Smart.

Hindi din nagpahuli sina Jayson Tatum at Jaylen Brown na parehong may 21 points. May eight rebounds at 11 assists din si Tatum.

Nanguna sa Miami si Duncan Robinson sa kaniyang 18 points habang 16 points at eight rebounds naman si Bam Adebayo.

Dahil sa panalo ay naibaba ng Boston ang Series lead ng Miami, 3-2. Lalaruin ang Game 6 Linggo ng umaga sa homecourt ng Miami.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x