NAOYA INOUE AT STEPHEN FULTON, MAGTATAPAT SA 122-POUND TITLE BOUT

Nakatakdang magharap sa loob ng ring ang dalawang undefeated boxer na sina Naoya Inoue at  Stephen Fulton sa Mayo ayon sa report ng ESPN.

Si Fulton ay ang kasalukuyang WBC at WBO World super bantamweight champion na susubukang depensahan ang kanyang titulo kay Inoue na kamakailan lang ay umangat sa 122-pound category.

Ang American undefeated boxer na si Fulton ay may malinis na 21-0 win-loss record kung saan 8 rito ay victory via knockout. Huli itong lumaban sa isang title defense match kontra kay Daniel Roman at nanalo via unanimous decision noong June.

Samantala, mayroon namang swabeng kartada na 24-0 at 21 KOs ang Japanese pound-for-pound superstar at dating three-division champion na si Inoue .

Huling sumabak sa bakbakan si Inoue noong Dec. 13, 2022 kung saan nakumpleto nito ang WBC, WBA, WBO at IBF world bantamweight titles matapos pataubin ang British boxer na si Paul Butler sa 11th round ng kanilang laban.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x