Narito ang ilang tips upang maiwasan ang DIABETES?

Ang diabetes mellitus ay isang uri ng karamdaman kung saan hindi nakakalikha ng sapat na insulin ang katawan upang kontrolin ang asukal sa dugo.

Ang diabetes ay maaaring namamana subalit kadalasan, ito ay nakukuha sa maling lifestyle.

Ayon sa International Diabetes Federation, apat na milyong Pilipino na ang may diabetes sa base sa datus noong Mayo taong 2020. 

kung ang diabetes ay hindi maaagapan, maaari itong humantong sa malubhang komplikasyon tulad ng pagkabulag, pagkakasakit sa bato at puso, pagkaputol ng paa at stroke.

Ilan sa mga karaniwang sintomas ng pasyenteng may diabetes ay ang mga sumusunod:

  • Madalas na pag-ihi
  • Maya’t-mayang pagkauhaw
  • Maya’t-mayang pagkagutom
  • Pamamanhid ng mga kamay at paa
  • Panghihina o pagkatamlay
  • Panlalabo ng paningin
  • Pangangayayat
  • Matagal na paghilom ng mga sugat

Narito ang ilang tips upang maiwasan ang pagkakaroon ng diabetes 

  • Kumain ng wasto at sa tamang oras
  • Mag ehersisyo
  • Iwasan ang paninigarilyo at pag inom ng alak
  • Kontrolin ang blood pressure (BP) at blood sugar
  • Panatilihing nasa tama ang timbang
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x