Hindi magiging problema ang pondo na panggagalingan para ma-restore ang nasunog na Manila Central Post Office.
Aabot sa halos P300 million ang damage ng sunog kung saan kabilang sa mga nasira ay mga sulat, court documents at ilang mga parcels sa sunog na naganap Linggo ng gabi (May 21) at naapaula matapos ang 30 oras.
Ayon kay Government Service Insurance System (GSIS) President Wick Veloso, naka-insure ang PhilPost sa halagang P604 million.
“We are very much aware of the historical significance of the building and we would like to assist in its rebuilding efforts in every possible way. “We need to bring it back to its original splendor,” ani Veloso. Hindi man natupok ang buong gusali ng PhilPost, karamihan sa mga nasira ng sunog ay mga gamit sa loob ng gusali at mga dokumento, sulat at mga parcels na nakatakdang –deliver sa kani-kanilang destinasyon.