Nilinaw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ang National Database of Restricted Persons (NDRP) ay hindi talaan ng mga lulong sa sugal kundi listahan ng mga indibiduwal na pinagbabawalan na magsugal, kabilang na ang mga opisyal ng pamahalaan.
Ayon sa PAGCOR, ang kumalat na listahan ay hindi galing sa kanilang website kundi mula sa isa sa kanilang gaming licensees na may access sa NDRP para masala at mapigilan ang mga “restricted persons” sa mga pasugalan.
Ipinaliwanag ng Gaming Licensing and Development Department (GLDD) ng PAGCOR, na siyang namamahala sa NDRP, na patuloy pang ina-update ang database at nangangailangan pa ng dagdag na datos mula sa iba pang ahensya ng gobyerno.
Sinabi ni Ma. Vina Claudette Oca, Assistant Vice President ng GLDD, na mahigit 560,000 pangalan pa lang ang nasa talaan sa ngayon, karamihan ay mga halal na opisyal mula sa website ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
“The names on the list are not necessarily addicted gamblers, most are government. officials who, by law, are not allowed to enter gambling establishments, thus their inclusion in the NDRP,” ani Ms. Oca.
“There are also 1,711 banned persons in the NDRP. These are individuals who have been subject to requests for self-exclusion, family exclusion or exclusions initiated by our licensees, lice but they are not necessarily addicts or government officials,” dagdag niya.
Ginawa ng PAGCOR ang paglilinaw matapos kumalat sa social media ang balitang na-hack ang NDRP at pinalalabas na listahan ito ng mga gambling addicts.