NINONG KO SI BEN TULFO! SELFIE KASAMA SI BITAG, GINAMIT NA PANAKOT!

Mga Boss, hindi ako mahirap lapitan. ‘Kapag nakita niyo ako sa lansangan, sa mall, sa karinderya, sa fishball-an, hindi naman ako tumatanggi sa selfie. Pakiusap lang, ‘wag na wag gagamitin ang ating litrato para manakot ng ibang tao. Ang ipinagtatanggol ng BITAG ay mga inapi’t inaabuso, hindi pang personal na away”

Ito ang iniwang pakiusap ni Mr. Ben Tulfo sa publiko matapos niyang mabalitaan na ginagamit ng isang lalaki ang lumang selfie nila para panakot sa kanyang mga kliyente.

Si Joar Pardillo, isang construction worker ay pumila noon sa public service program ng BITAG para humingi ng tulong na mabayaran siya ng kanyang kliyente. Agad siyang nabayaran sa tulong ng BITAG.

Ngunit apat na taon ang lumipas, muling lumutang ang pangalan ni Joar dahil siya naman ang inirereklamo.

Ginagamit daw kasi ni Joar na panakot ang larawan nila ni BITAG na kuha pa noong 2018.

Ipinagmalaki daw ni Joar na close daw sila ni BITAG para mabayaran siya sa mga proyekto.

Panoorin ang buong detalye ng sumbong;

YouTube player

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x