Tuluyang nang ipatitigil ng Germany ang operasyon ng natitirang tatlong nuclear plants simula Abril 15, 2023.
Ang huling tatlong nuclear plants na isasara ay ang Neckarwestheim malapit sa Stuttgart, Isar 2 complex sa Bavaria, at sa Norte matatagpuan ang Emsland plant.
Taong 2002, nang unang inanunsyo ang planong pag-phase out kanilang mga nuclear plants bilang pakikiisa sa mga bansa sa Europa sa paggamit ng greener energy sources.
Labing anim na reactors ang isinara ng Germany simula noong 2003.
Sa kasalukuyan, 46 percent ng energy sources ng Germany ay mula sa kanilang mga renewable energy noong 2022.