OBRANG SAGING NA P6.6M-WORTH, KINAIN NG ESTUDYANTE

Umani ng sari-saring reaksyon ang isang South Korean art student matapos nitong kainin ang saging na naka-display sa Seoul’s Leeum Museum of Art. 

Ayon sa studyante na si  No Hyun-soo, nagutom daw siya kaya niya kinain ang obra. Ang obrang ito ay tinawag na “Comedian”, isang saging na nakadikit sa pader sa pamamagitan ng duct tape. 

Ang artwork na ito ay parte ng “WE” exhibition ng italian artist na si Maurizio Cattelan. Ito ay isa sa art world’s biggest viral moments nang naibenta ito sa halagang US$120,000 (PHP6,641,700.00) sa Art Basel Miami Beach noong December 2019.

Matapos kainin ni No Hyun-soo ang saging, muli niyang idinikit ang balat ng saging sa pader. Agad namang kumilos ang museum at pinalitan ito ng sariwang saging. 

Hindi ito ang unang beses na may kumain ng naturang obra. Noong unang naibenta ang first edition ng “Comedian” noong 2019, kinain din ng performance artist na si David Datuna ang saging na naka-display sa Perrotin Gallery sa Art Basel sa Miami. 

Matapos ang insidente ay nagpost ito sa Instagram ng “I really love this installation. It’s very delicious”. Dinepensahan naman niya ang kanyang ginawa at tinawag itong “art performance”. 

Kilala si Cattelan sa mga mapanuksong obra na sumusubok sa popular na kultura. 

Ayon sa museum, nang iparating nila ang nangyari sa obra ay wala umanong reaksyon si Cattelan. 

“No problem”, aniya.  — SOURCE: https://www.pep.ph/news/kuwentong-kakaiba/173058/estudyanteng-gutom-saging-artwork-a4888-20230502?utm_source=Facebook-PEP&utm_medium=Ownshare&utm_campaign=20230502-fbnp-news-estudyanteng-gutom-saging-artwork-a4888-20230502-fbfirst&fbclid=IwAR0ichuH63uJEoBh2MaIrRrFz2-LZi_FfQKijVUa3ZfqH24A44fRsGbxY2A

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x