OFW NA PINATAY SA KUWAIT, IIMBESTIGAHAN NI SEN. TULFO

Nakarating kay Senator Raffy Tulfo ang malungkot na balita sa pagkamatay ng isang kababayan OFW sa Kuwait.

Sa isinagawang consultative meeting kahapon, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople sa senador na isang kababayan sa Kuwait ang pinatay ng anak ng kanyang amo.

Kinilala ang biktima na si Jullebee Ranara, 35 years old, na na-deploy sa Kuwait noong July 2022. Natagpuan ang kanyang sunog na bangkay sa disyerto.

Sa pakikipag-ugnayan ng DMW sa pamilya, sinabi nito na matagal nang hinaing ni Jullebee ang pananakit at pagbabanta ng anak ng kanyang employer.

“Nakausap pa nung pamilya si Jullebee at ang sabi nga niya ang inirereklamo niya ay anak ng employer na nagmamalupit sa kanya. Nitong Linggo, doon po natanggap ng DMW yung report  na natagpuan na po ang bangkay ng mahal nating kababayan.” wika ni Sec. Ople.

Hinihintay pa ng DMW ang official report, pero ng media sa Kuwait, isinuko ng ama ng suspek ang kanyang anak sa Kuwaiti authority.

Bagamat nahuli na ang suspek, nais naman masiguro ni Sen. Tulfo hindi mababasura ang kasong ito.

“Paano natin malalaman na yun talaga ang suspek? Kasi baka mamaya, naplantahan lang po nang suspek kuno, then later on ma-technical tayo, hindi naman pala talaga yun ang suspek? Mababalewala. Baka yung tunay na suspek ay hindi prinesenta sa awtoridad, at ang tinutumbok ng mga awtoridad doon ay ang false suspect. Eventually mahirapan patunayan kung di naman talaga siya at meron siyang matitibay na alibis na talagang hindi siya, ay mababalewala ang kaso.” Ani Sen. Tulfo.

Sinabi ni Sec. Ople na agad silang magpapadala ng team na susubaybay sa development ng kasong ito, kasama ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ranara.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x