OFW, NAGKA-VIOLATION KAHIT NASA ABROAD; LTO, NAGTAKA RIN

Papaano nangyari na ang isang overseas Filipino worker (OFW), nagkaroon ng violation ticket sa LTO?

Gulat na gulat ang isang kakabayan nating OFW nang malaman niyang mayroon siyang violation ticket sa Pilipinas habang siya ay nagta-trabaho sa Kuwait.

Sumbong ni Noel Recto sa #ipaBITAGmo, sa rekord ng Land Transportation Office (LTO) taong 2018 siya natiketan ng dalawang kaso ng “overloading.” Nadiskubre nalang niya ito noong magre-renew siya ng lisensya noong April 12, 2023.

“Mag rerenew po sana ako ng lisensya sa LTO-Batangas kaso nakita nila sa system na may alarm siya o violation kaya hindi po ma-open yung portal,” wika ni Noel.

“Yun unang violation po ay noong August 8, 2018 tapos yung pangalawa –August 10, 2018. Ang sasakyan ay Foton 12-wheeler truck at yung isa naman dump truck na 12-wheeler din,” dagdag nito.

Ayon kay Noel, Enero taong 2018 nang umalis siya ng bansa papuntang Kuwait habang Disyembre 30 naman nang umuwi ito ng Pilipinas noong taong ding ‘yun.

“Imposible na ako ang dahil nung araw na mangyari ang violation dahil wala ako sa Pilipinas nasa ibang bansa ako,” ani nito. 

Ang masaklap, pagdating niya sa LTO Central Office sa East Avenue Quezon City, pilit daw siyang pinagbabayad ng multa para makapag-renew ng lisensya.


“Pinakita ko naman po yung flight ticket ko na katibayan na wala ako nung panahon na yun pero ang sabi makiusap nalang daw po sa loob para maayos yung problema … sinabihan ako na kailangan ko daw po magbayad ng P1,568 kada isang huli,” kwento nito.

Sa programang #ipaBITAGmo, nakatikim ng sermon ni Ben “BITAG” Tulfo ang tauhan ng LTO na nagpakilalang Marvin.

“Hindi ba kataka-taka yung sitwasyon, inirereklamo kayo ng OFW na wala rito (nung mga panahong yun), may flight ticket siya, maipapakita niya yung passport niya kung kailan siya umalis at dumating ng bansa?” tanong ni Tulfo kay Marvin. 

“Bwisit ako sa mga pekendus na ticket na binibigay niyo sa mga pobreng wala naman dito pagkatapos i-issuehan niyo ng ticket… The burden of proof –ang pagpapatunay –ay sa inyo,” dagdag nito.

Abril 17, sinamahan ng BITAG si Noel sa tanggapan ng LTO Central Office, “cleared” nasa sa mga violations si Noel at nabigyan na rin siya ng 10-year driver license.

Papapatawan naman ng dismissal o revocation ng deputation order ang mga enforcer na sangkot sa reklamo at magsasagawa sila ng mga seminar sa kanilang mga tauhan tungkol sa batas trapiko.

YouTube player

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x