OFW PATAY NANG MAHULOG SA 18TH FLOOR NG APARTMENT BUILDING HONG KONG

Isang Pinay domestic helper ang namatay matapos mahulog ito sa 18th floor ng isang condominium sa Kowloon, Hong Kong.

Ito ang kinumpirma ni Philippine consul general Raly Tejada na nagsabi na iniimbestigahan na ng Hong Kong police ang insidente.

Namatay ang OFW nang mahulog ito habang naglilinis ng bintana ng kaniyng employer.

“This is such a deplorable tragedy because the Hong Kong government itself has banned window cleaning since 2017, as they are aware that this is unsafe and very dangerous,” ani Tejada.

Taong 2017 nang ipagbawal ng Hong Kong authorities ang paglilinis ng bintana matapos umabot sa limang aksidente na ikinamatay ng mga OFWs.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x