P2.00/L ROLLBACK SA PETROLEUM PRODUCTS, EPEKTIBO NGAYONG ARAW!

Simula alas-6:00 ng umaga ngayong Martes, Dec. 6, epektibo na ang halos P2.00 bawas-presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo.

P1.90/liter ang rollback sa diesel, P1.95/liter sa gasolina at 1.65 per liter sa kerosene.

Ayon sa mga oil players, ang bawas presyo ay bunsod ng mababang presyo ng petroleum products sa World market.

Sabay-sabay nagpatupad ng rollback ang mga oil players kaninang alas-6:00 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na nahuling sumunod sa tapyas-presyo.

Ito na ang ika-pitong serye ng rollback sa diesel at tatlong linggong rollback naman sa gasolina.

Ayon sa Department of Energy (DOE) patuloy ang kanilang monitoring sa international oil market upang matiyak na hindi lalabis ang mga oil players sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Pilipinas.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x