P6-M pambili ng bahay sa Boracay, ipinatalo sa sugal ng boyfriend

“Love is sweeter the second time around?”

Hindi umepekto ang kasabihang ito para sa isang 50-anyos na balikbayan mula sa Estados Unidos, matapos maglaho ang kanyang ipon dahil ipinatalo sa sugal ng kanyang boyfriend.

Nagpasaklolo sa Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo ang ginang na si Rosemarie Garlan, 50, isang dual citizen para ireklamo ang kanyang dating boyfriend na si Mark Lawrence “Mac-Mac” Pio-roda, 30 years old.

Ayon sa ginang, nakilala niya si Mac-Mac noong 2017 pero nagkahiwalay sila makalipas ang ilang buwan. 

Nagkabalikan umano sila noong 2021, pero ang inakala niyang “sweeter at stronger in the second time around” – nauwi sa bangungot; at naglahong parang bula ang ipon nito sa pangingibang-bansa.

Sumbong ng ginang, pinaniwala raw siya ni Pio-rada na napunta sa negosyo, lupa’t bahay sa Boracay ang perang ipinapadala niya sa nobyo.

Huli na ng malaman ng ginang na naipatalo pala ni Pio-rada sa sugal ang mahigit P6 milyon na ipon sa ibang bansa ng ginang.

Ang maiinit na rebelasyon at pag-aksyon ng programang #ipaBITAGmo sa sumbong na ito, panoorin: