P6M HALAGA NG SHABU, ISINIKSIK SA CHINESE TEA BAG, BUKING!

Arestado ang ang isang big-time na tulak ng droga matapos masakote ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa isang buy-bust operation sa Las Piñas City kahapon, Dec. 13.

Ayon sa ulat ni SPD District Dir. Gen. Kirby John Brion Kraft, ang nahuling suspek na si Layson Lucas y Manuel a.k.a. “Brad”, 37, ay kasama sa listahan ng mga High Value Individuals ng Philippine National Police (PNP).

Nahuli ang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit ng Las Piñas City Police Station sa Bayabas St., BF International Village, CAA, Las Piñas City bandang alas-4:30 ng hapon noong Martes.

Nakuha kay Lucas ang isang vacuum sealed plastic na Chinese Daguanyin tea bag na naglalaman ng humigit-kumulang isang kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P6.8 million.

Bukod dito, nakuha din sa suspek ang tatlong plastic na naglalaman ng suspected shabu na mayroong timbang na 3.3 gramo.

Isusumite sa SPD Forensic Unit ang mga nakumpiskang hinihinalang droga sa suspek upang isailalim sa qualitative at quantitative analysis.

Sasampahan si Alyas Brad ng kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng Republic Act 9165.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x