P750K NA IPON NI BUNTIS SA UNIONBANK, LIMAS!

Limas ang higit P700,000 na ipon ni Melinda matapos siyang mabiktima ng online banking scam. 

Sa kwento ni Melinda sa #ipaBITAGmo, mahimbing daw siyang natutulog ng maganap ang mga online bank transactions. 

Dalawampung sa sunod-sunod na online transaction ang ginawa ng scammer sa pera ni Melinda.

Si Melinda ay bagong kasal at isang buwang buntis. Ang pera sana ay para sa kanilang magiging anak. 

Sinubukan daw ni Melinda mag-report sa kanyang bangko na Unionbank ngunit wala pa ring malinaw na paliwanag ang bangko. 

Samantala, nakipagtulungan ang BITAG sa tanggapan ng NBI Anti-Fraud Division sa kasong ito. 

Bukod dito ilalapit din ng BITAG ang kaso ni Melinda kang Cong. Irwin Tieng, Chairperson ng Banks and Financial Intermediaries. Si Cong. Tieng ang may akda ng House Bill 7393 o “AN ACT REGULATING THE USE OF FINANCIAL ACCOUNTS”. 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x