PAGTATAAS NG MINIMUM WAGE, ISINUSULONG NI SEN. TULFO

Isinusulong ngayon ni Senator Raffy Tulfo na pag-aralan ang umiiral na polisiya hinggil sa pagtataas ng minimum wage ng mga manggagawa.  

Base sa ulat, Hunyo ng nakaraang taon pa ang pinaka-huling increase sa sweldo ng mga manggagawa na nasa pagitan lang ng P30 hanggang P110.

Ang iginigiit ng senador, hirap ang mga minimum wage earner na maitawid ang kanilang pang araw araw na buhay dahil sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa inihaing Senate Resolution No. 476 ni Tulfo nakasaad na “The current minimum wage increase will not be able to sustain the living conditions of workers, and many workers are facing significant financial difficulties as a result and the issuance of an emergency wage order may be necessary to address these challenges.”

Ayon kay Tulfo, kailangang mapaunlad din ang kalidad ng buhay at pamumuhay ng ating mga manggagawa lalo na ang mga maliliit lang ang kinikita.

“It is imperative to improve the standard of living and quality of life for workers, particularly those in the lower income bracket, and to ensure that the policies on the minimum wage increase are fair, effective, and consistent with the needs of the workers and the economy,” pahayag ng mambabatas.

Sinabi naman ng National Wages and Productivity Commission at ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards na pinag-aaralan na nila ang proposal sa susunod na wage increase.  

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x