Kalaboso ang inabot ng isang college student sa Dumaguete matapos biruin ang isang dalaga na sinabihan nito ng “Pakagat naman ng popsicle mo!”.
Nagpasaklolo sa BITAG Multimedia Network (BMN) ang estudyanteng si Arturo Salem Jr., 22, isang criminology student, para ilahad ang kanyang kuwento.
Sa salaysay ng complainant sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, sinabi nito na hindi makatarungan ang pagpapakulong sa kanya sa Dumaguete City Police Station.
Kuwento ng estudyante, nangyari ang pagbibiro nito sa hindi niya kilalang dalaga sa isang birthday party.
Aminado ang binata na naka-inom siya ng alak nang mangyari ang insidente.
Biniro lamang umano niya ang dalagang kumakain ng popsicle ice candy nang sabihan ito na “pakagat naman ng popsicle mo!”.
Hindi inakala ng binata na magiging mitsa pala ito ng paghimas niya ng malamig na rehas dahil dinala ito sa presinto para ikulong ng 12-oras.
Balikan ang istoryang ito sa: