Sasagutin lahat ni boxing icon Manny Pacquiao ang gastusin sa pagpapa-ospital ni Kenneth Egano matapos ma-comatose sa laban niya kontra kay Jason Facularin noong Sabado, May 6 sa Imus, Cavite.
Nag collapse si Egano habang hinihintay ang resulta ng laban kontra kay Facularin. Dinala naman kaagad sa pinaka-malapit na ospital.
Ayon kay Pacquiao, inatasan niya ang kanyang staff na makuha lahat ng pangangailangan ni Egano sa ospital.
“There is nothing more precious than human life,” saad ni Pacquiao.
Naka- iskedyul namang operahan ngayong Linggo (May 14 si Egano na kasalukuyang naka-confine sa Imus Doctors Hospital.
Samantala, nakarating na noong Linggo ang mga magulang ni Egamo sa pamamagitan ng flight sa General Santos City na sinagot ng mga staff ng Blow-By-Blow.
Sinabi naman ni Pacquiao na ang boksing ay isang delikadong sports kung saan ay nakataya na ang kanilang buhay.
“Boxing is truly a dangerous sport, and the boxers deserve nothing but respect as they put their lives on the line.” Saad ni Pacquiao.