Papaano mag-rehistro?Alamin…SIM CARD REGISTRATION SISIMULAN NA SA DECEMBER 27

Sisimulan na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang SIM Card registration sa huling Martes ng buwan, Disyembre 27, 2022.

Ayon sa implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 11934 o ang SIM Card Registration Act, ang mga hindi maire-rehistro na SIM card ay pansamantalang putol ang linya hangga’t hindi ito nairerehistro sa NTC.

Simula Disyembre 27, mga ‘deactivated mode’ SIM cards o hindi pa aktibong linya ang ilalabas at ibebenta ng mga telephone companies (Telcos) at mga public telecommunications entities (PTEs).

Bibigyan lamang ng 180-days o anim na buwan ang mga subscriber para irehistro ang kanilang mga Subscriber Identity Module Card o SIM Card simula sa araw na naging ganap na batas ang RA 11934 noong Oktubre 10, 2022.

Pero base sa IRR ng NTC, bibigyan pa ng hanggang 120-days o apat na buwang palugit ang SIM card registration kapag lumagpas na ito sa 180-days.

NARITO ANG STEP-BY-STEP NA PROSESO NG SIM CARD REGISTRATION:

New users;

Ang mga SIM card, embedded SIMs, broadband modem, at mga internet-of-things devices na bibilhin pag-lagpas ng December 27 ay awtomatikong nasa ‘deactivated mode’.

Ayon sa NTC, libre ang registration at magpapadala ng link o platform ang mga Telcos sa kanilang mga subscriber para makapasok sa kanilang system sa website.

Ang mga basic information na kakailanganin sa registration ay:

  • Full name
  • Birthday
  • Gender
  • Official Sddress
  • Identification card at ID number (Passport; Philippine Identification System ID; SSS ID; GSIS ID; Driver’s License; NBI clearance; Police clearance; Firearms’ license to own and possess ID; PRC ID; IBP ID; OWWA ID; BIR ID; Voter’s ID; Senior citizen card; UMID; PWD card; o kahit anong uri ng valid government-issued ID na mayroong litrato.

Negosyo o organisasyon;

  • Business Name
  • Business Address
  • Full name ng authorized signatory

Foreigners;

  • Full name
  • Nationality
  • Date of birth
  • Passport
  • Address sa Pilipinas
  • Visa o travel admission documents
  • ID number ng Visa o Passport

Ang SIM card ng mga turista ay mayroon lamang 30 days validity.

Awtomatiko itong puputulan ng linya paglagpas ng isang buwan. Maaari itong i-xtend sakaling magpakita ng visa extension.

Minors;

Ang mga menor-de-edad o wala pa sa hustong gulang ay kailangang irehistro ang kanilang SIM sa pangalan ng magulang o guardian.

Kailangan nilang magsumite ng;

  • ID (school ID if available)
  • Letter of consent ng magulang o guardian.

Prepaid subscribers;

  • Full name
  • Birthday 
  • Gender
  • Official address
  • Identification card at ID number (Passport; Philippine Identification System ID; SSS ID; GSIS ID; Driver’s License; NBI clearance; Police clearance; Firearms’ license to own and possess ID; PRC ID; IBP ID; OWWA ID; BIR ID; Voter’s ID; Senior citizen card; UMID; PWD card; o kahit anong uri ng valid government-issued ID na mayroong litrato.

Postpaid subscribers;

Kailangang kontakin ang Telco provider para sa confirmation ng iyong  personal at data information. Magpapadala rin ang mga Telcos ng link sa pamamagitan ng website platform para sa confirmation.

PARUSA o PENALTY:

Bukod sa P300,000 na multa sa mga subscribers na hindi magrerehistro ng SIM Card, papatawan din ng hanggang P1 milyon ang Telephone Company (Telco) na hindi magre-rehistro ng kanilang mga subscribers.

Maaaring makulong ng hanggang dalawang taon at multang P300,000 ang mga subscribers na magbibigay ng pekeng impormasyon sa NTC.

Hanggang anim na taon na kulong naman at multang P300,000 ang parusa sa sa mga magbebenta, magnanakaw o maglilipat ng SIM card sa ibang tao.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x