Naghain na rin ng reklamo sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pasahero na sinubukan umano kikilan ng ilang tauhan ng Bureau of Immigration (BI).
Ayon sa ulat ng GMA News, tatlong beses nang na-offload sa eroplano ang pasaherong seafarer na itinago nila sa pangalang JC, noong nakaraang taon.
Kwento ni JC, inalok siya ng nagpakilalang tauhan ng BI na tutulungan siya nitong makalusot sa immigration counter at makaalis ng bansa kapalit ang P150,000 na kabayaran.
Matatandaang unang dumulog si JC sa BI kung saan siniguro ng tagapagsalita ng ahensya na si Dana Sandoval na iniimbestigahan nila ang naturang reklamo
Sinabi rin ni Sandoval na may mga hakbang na silang ginagawa upang malinis at matigil na ang ganitong mga ilegal na gawain sa kanilang hanay.