Magbabalik sa April 27 ang PBA D League Aspirants’ cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Susubukang depensahan ng reigning champion ng PBA D League ang La Salle EcoOil sa pangunguna ng kanilang bagong head coach at former PBA coach na si Topex Robinson.
Makakasama ng La Salle ang ibat ibang koponan sa torneyo kasama ang three peat NCAA Champion na Letran Knights, AMA Online Education, Centro Escolar University-Cafe France, University of Perpetual Help System Dalta, St. Clare, Philippine Sports Performance Fitness Gym at San Beda-Marinerong Pilipino.
Ang walong teams ay maglalaban sa isang single-round robin eliminations kung saan ang nangungunang dalawang koponan ay makakakuha ng direktang tiket sa semifinals.
Ang third hanggang sixth-ranked squads ay magku-qualify naman sa quarterfinals kung saan ang third at fourth-seeded teams ay magkakaroon ng twice-to-beat advantage.
Magiging best of three game series naman ang dalawang teams na makakapasok sa finals.