PBA GOVERNOR’S CUP, PAIIKLIIN PARA SA SEA GAMES

Paiikliin ng Philippine Basketball Association (PBA) ang iskedyul ng season-ending Governor’s Cup upang magbigay-daan sa paghahanda ng Gilas Pilipinas sa South East Asian Games na gaganapin sa Cambodia sa Mayo.

Ayon sa PBA, limang araw na laro sa loob ng isang linggo lamang ang magaganap sa elimination round ng final conference ng 2022-2023 season.

Unang magsasalpukan sa opening salvo ng torneyo ang Meralco at Rain or Shine sa Linggo, Jan. 22 (4:30 pm) sa PhilSports Arena sa Pasig City. Susundan naman ito ng sagupaan sa pagitan ng Converge at NorthPort (6:45pm)

Nakatakda naman sumabak sa aksyon ang Governor’s Cup reigning champion na Barangay Ginebra kontra Elasto Painters sa Feb. 5 sa Araneta Coliseum.

Magaganap ang mga laro sa PBA tuwing Miyerkules, Huwebes, Sabado at Linggo.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x