Binati ni President Ferdinand Marcos, Jr. si Vice-President Sara Duterte sa kaniyang kaarawan ngayong Martes, May 31, kasabay din ng pagbibigay ng “matinding” payo sa concurrent Education Secretary.
“Inday Sara, happy birthday. Magpakasaya ka muna diyan. Magpahinga ka muna sandali sa trabaho mo,” ani Marcos sa salitang bisaya,”Bigyan mo muna ng kahit kaunting oras ang sarili mo. At huwag mo nang pansinin ang mga tambaloslos diyan.”.
Ang tambaloslos ay isang mythical creature sa mga bisaya na may malaking bibig at ari na kasing laki ng katawan nito.
Ginagamit ang salitang ‘Tambaloslos’ bilang pag-insulto sa isang lalaki na sinasabing puro lamang daldal. “Sa imong ambisyon, do not be tambaloslos,” ang laman ng isang post ni Duterte ilang araw matapos tanggalin bilang senior deputy speaker si Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.