Nakarating na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr sa Zurich Switzerland upang dumalo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland mula Enero 16-20.
Una ng sinabi ng pangulo, na isang magandang pagkakataon ang makasali sa WEF upang mapalawak at maibahagi sa iba’t ibang government leaders ang mga mahahalagang nagawa ng bansa sa pagsasaayos muli ng ekonomiya.
Gayundin, ang mahikayat ang mga global business leaders at investors upang bumuo at palakasin ang partnership sa Pilipinas.
Plano din Ibahagi ni PBBM sa anim na araw niya sa Switzerland ang panukalang Maharlika Wealth Fund.
Inaasahan din na bago umuwi ang Pangulo sa Biyernes, makakaharap niya ang mga miyembro ng Filipino community sa Zurich.
Ito ang kauna-unahang in-person meeting ng WEF matapos ang halos tatlong taon dahil sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) noong 2020.