Hindi pa din natitinag sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Vice-President Sara Duterte pagdating sa survey ng kanilang performance.
Sa ginawang survey ng market research firm na Tangere, 79% ang tiwala pa din kay Pangulong Marcos habang 84% ang tiwala kay Duterte sa huling anim na buwan.
Nakakuha ng mataas na ratings si Marcos sa Visayas (83%) kasunod ang Metro Manila (81%) habang pinakamababa ang nakuha niya sa Southern Luzon at Bicol Region (74%).
Pagdating naman sa age groups, angat si Marcos sa halos lahat ng grupo kung saan 81% ito sa 25-31 years old, 79% sa 36-50 years old at 78% sa 51 pataas.
Samantala pinakamataas ang level of trust ni Duterte sa Metro Manila (86%) kasunod ang Visayas (85%).
1,800 katao ang sumali sa Trust and Performance Ratings survey ng Tangere na ginawa mula June 14 hanggang June 16 gamit ang mobile-based respondent application.
Siniguro din ng Tangere na balanse ang ginawa nilang nationwide survey kung saan 12% kinuha sa Metro Manila, 23 percent sa Northern Luzon, 22 percent sa Southern Luzon, 20 percent sa Visayas, at 23 percent sa Mindanao.