Pension + 13th month bonus, sabay makukuha ng mga SSS pensioners ngayong araw!

Good News!

Sabay-sabay na makukuha ngayong araw, December 2, ng nasa 3.6 million pensioners ng Social Security System (SSS) ang kanilang December pension at 13th month annuity, ayon kay SSS president at chief executive officer (CEO) Michael Regino.

Sa December 4 pa dapat makukuha ng mga pensioners ang kanilang 13th month bonus, pero ibibigay na ito ngayong Biyernes dahil papatak ang December 4 sa araw ng Linggo.

Ani Regino, ang matatanggap na 13th month pay ng mga SSS pensioners ay katumbas ng kanilang buwanang pensyon.

Ibig sabihin aniya, doble ang papasok na annuity sa account ng mga pensioners ngayong buwan ng Disyembre.

Since December 1988, we have been granting our pensioners the 13th month pension, which is equivalent to their respective monthly pensions. This additional financial assistance or Christmas gift is our way of thanking them for their support to the SSS during their working years,” ani Regino.

Ayon kay Regino, nasa P29.75 billion ang inilaan ng ahensya para mabigyan ng 13th month bonus ang kabuuang 3.6 milyon na SSS pensioners.

Kwalipikadong tumanggap ng 13th month bonus ang mga SS retirement pensioners, Employees’ Compensation (EC) survivor, at mga nasa total disability pensioners kabilang ang mga partial disability pensioners na mayroong pension duration na hindi bababa ng labindalawang buwan.

This year, we have also pushed for the early crediting of the 13th month and December 2022 pensions so that our pensioners can withdraw them ahead of the holiday rush,” ani Regino.

Samantala, nakiusap ang SSS sa mga accredited non-PESONet participating banks na tiyaking maibibigay ang 13th month pay ng mga SSS pensioner bago sumapit ang December 4.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x