PH WOMEN FOOTBALL TEAM, NILAMPASO ANG PAPUA NEW GUINEA; 9-0

Nilampaso ng Philippine Women Football Team sa iskor na 9-0 ang koponan ng Papua New Guinea sa katatapos na friendly rematch kahapon, Dec. 15 sa Western Wanderers Park, Sydney Australia.

Pinangunahan ng midfielder na si Quinly Quezada ang Pilipinas na nakapagtala ng hat trick habang pumuntos naman ng dalawang goal si Katrina Guillou sa ika-24 at 27 minuto ng laro.

Nag ambag din ng tig-isang puntos sina Jessika Cowart, Tahnai Annis at Sara Eggesvik upang selyuhan ang panalo.

Unang nilampaso ng Filipinas Football Team ang Papua New Guinea noong nakaraang linggo sa iskor na 5-1.

Sinelyuhan ng Filipinas ng matagumpay na kampanya ngayong 2022 matapos makapasok sa FIFA Women’s World Cup na gaganapin sa July 2023.

Bukod dito, nauwi rin ng bansa ngayong taon ang kampeonato sa Womens’ Asean Football Federation (AFF) at bronze sa South East Asian Games sa Vietnam.

Nasa 53 spot ang PH women’s football team sa World Standings ng FIFA.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x