PINAY ISINIKSIK SA DRUM NG SYOTA NA KANO

Isang bangkay ng ginang ang natagpuang nakasilid sa isang drum sa bahay ng kanyang Amerikanong live-in partner sa Bacoor, Cavite.

Kinilala ang biktima bilang na si Mila Loslos, 48 anyos na ilang araw nang iniulat na nawawala ng kanyang pamilya.

Tinukoy naman ng pulisya ang suspek na si William Thomas Worth, isang American national n aka-relasyon umano ng biktima.

Batay sa imbestigasyon, lumalabas na sinakal umano ng suspek ang biktima at binalot ng kumot bago ito isinilid sa drum. 

Inaresto ng mga awtoridad si Worth matapos matagpuan ang labi ng biktima sa kanyang tahanan. Narekober naman sa crime scene ang tatlong patalim at nylon na tali na maaaring ginamit sa pagpatay.Selos ang tinitignan ng mga awtoridad bilang motibo ng suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong murder.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x