PINTOR ARESTADO SA PAPUTOK

Arestado ang pintor na si Renato Siongco, 45, mula sa Bocaue, Bulacan matapos itong maaktuhan habang gumagawa ng “pla-pla”, “dugong”, “kwitis”, at iba pang ipinagbabawal na paputok noong Nob. 18, Biyernes.

Nakumpiska ng mga pulis sa bahay ni Siongco sa Sitio Bihunan, Brgy. Biñang 1st, Bocaue, Bulacan, ang iba’t ibang uri ng paputok at pulbura na nagkakahalaga ng P50,000.

Sa ulat ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), mahaharap si Siongco sa kasong paglabag sa RA 7183 o An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices.

Mahigpit ang babala ng Bulacan PPO sa mga iligal na pagawaan ng paputok.

Habang papalapit ang Kapaskuhan at Bagong Taon, lalo rin umanong palalakasin ng Bulacan PPO  ang pagsalakay sa mga walang permit na distributor at manufacturer ng mga iligal na paputok.