Dismayado ang player ng College of St. Benilde (CSB) Blazer na si Will Gozum dahil sa aniya’y intensyonal na pagpisil sa kanyang puwet ng Letran Knights cager na si Paolo Javillonar sa paghaharap nila sa game 1 ng NCAA ‘98 men’s basketball finals noong linggo.
“Gano’n ‘yung ugali niya siguro. We don’t tolerate that kind of player,” ani Gozum.
“Siguro physicality matatanggap ko pero ‘yung ganoon? Kahit sino namang player, madidismaya sa ganoon but okay lang, tanggap ko naman. Kung ganoon siya, so be it,” dagdag nito.
Nangyari ang awkward na insidente sa ika 4:57 minuto ng third quarter kung saan makikita ang ginawang paghawak at pagpisil ni Javilionar sa puwet ni Gozum.
Nasipat ito ng referee at agad winarningan ng technical foul ang Letran Knights player.
Sa social media, umani ng samu’t saring reaksyon ang ginawang kalokohan ni Javillonar sa loob ng hardcourt.
“LOL. He got the wrong ball,” pabirong komento ng isang facebook user.
“They are probably friends but regardless, that is weird and not appropriate for minors to see,” pahayag naman ng isang netizen.
Tinalo ng Letran Knights ang CSB Blazers sa final score na 81-75.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Araneta Coliseum ngayong linggo para sa Game 2 ng NCAA men’s basketball finals.