Nagawang talunin ng PLDT High Speed Hitters ang kanilang katunggali na Army Black-Mamba sa straight sets sa score na 25-19, 25-12, 25-21 kahapon February 16 sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference na ginawa sa Philsports Arena.
Nakakuha ng momentum ang Army Black-Mamba at naka lapit sa PLDT hitters 17-18 sa third set. Dikit ang laban sa pagitan ng PLDT High Speed Hitters at Army Black-Mamba hanggang sa maka-bigay ng score si Jovie Prado at nakapag bigay ng service ace si Rhea Dimaculangan para ma-selyado ang laro at makuha ang kanilang unang panalo.
“We’re still not there. That was not the performance that we’re looking for. Our goal every game is to improve,” saad ni PLDT head coach Rald Ricafort.
Nanguna para sa PLDT Hitters si Mean Mendrez na nag-contribute ng 11 points; 9 attack points at 2 successful blocks. Nakapag-ambag din sina Jovie Prado at Dell Palomata ng tig 9 na puntos.
Habang ang manlalaro ng Army Black Mamba na si Honey Royse Tubino ang naging top scorer ng kanyang team na nakapag contribute ng 8 points.
Ito ang panlabin-limang pagkatalo ng Army Black Mamba simula nang nakaraang taon.