Sa susunod na labindalawang taon, mahigit kalahati ng populasyon sa mundo ang posibleng maging overweight o obese.
Ito ang prediksyon na nilabas ng World Obesity Federation sa kanilang Atlas ngayon 2023 kasabay ng World Obesity Day.
Mahigit 4 na billion tao o 51% ng populasyon sa mundo ang posibleng maging obese kapag hindi ito naagapan.
Ayon sa ulat, makikita ang malaking pagtaas ng obesity rate sa mga kabataan.
100% ang nakikitang increase o 208 million para sa batang lalaki at 124% increase o 175 million para sa mga batang babae.
“It is particularly worrying to see obesity rates rising fastest among children and adolescents,” pahayag ni Louise Baur, President ng World Obesity Federation.
Nanawagan naman ang grupo na bumuo ng mga plano at aksyon ang mga bansa upang malabanan ang pagtaas ng childhood obesity.
Karaniwan nakikita ang isyu ng obesity sa mga high income countries subalit ayon sa report, mas mabilis ang pagtaas sa mga low and lower middle income countries.
Hindi naman sinisi ang mga organisasyon ang mga indibidwal bagkus kailangan ikonsidera ang mga factors gaya ng social, environmental at biological.