“PUMALPAK, NAGTURUAN, NAGSISIHAN”

MAHABANG pila at mabagal na pagproseso ng mga lisensya at motor vehicle registrations ang araw-araw na problema  na kinakaharap ng mga  motoristang bumibisita sa  tanggapan ng Land Transportation Office (LTO).  

Kapansin-pansin na madami nang nagagalit at reklamo sa sobrang bagal ng proseso sa mga tanggapan ng LTO. 

Kasama na rito ang pagsumite ng mga online registration sa licensing system ng LTO, minsan pa nga daw “offline” ang system ng tanggapan. 

Dumagdag sa problema ang naging iringan ni LTO Chief Teofilo Guadiz III at ni  Atty. Nikki de Vega, spokesperson ng Dermalog. Dermalog ang kasalukuyang information technology (IT) service provider ng LTO.  

Sa isang pahayag ni LTO Chief Guadiz III, sinisisi niya ang Dermalog sa nasabing “slowdown” ng kanilang online registration.   

Hindi ito nagustuhan ng Dermalog lalong lalo ng kanilang tagapagsalita na si Atty. De Vega.  Dapat daw ay humingi ng apology ang LTO Chief para sa mga “unfair allegations” nito.   

Dagdag pa ni Atty. De Vega, maganda ang reputasyon ng Dermalog sa ibang bansa kaya hindi dapat basta isinisisi sa kanila.

Katunayan ay may resulta na daw ang kanilang imbestigasyon na mismong sa loob ng LTO ang pinanggagalingan ng problema. 

Ibig bang sabihin nito ay may inside job sa loob ng LTO? Na sinasadyang pabagalin ang sistema para pahirapan ang taumbayan?  

With all due respect, alam ko naman na kailangan ipagtanggol to the best of your ability ang kliyente. Subalit hindi reputasyon ang pinag-uusapan dito. 

Nangangamote ang LTO dahil hindi nila maideliver ang tamang serbisyo para sa publiko. Madami ng apektadong motorista na  galit at mainit na ang ulo. 

May kilos-pagong dito, hindi natin masabi kung nasa loob ba ng LTO o yung ibang service provider ang may dulot ng kapalpakan. 

Instead of blaming each other, solusyunan na agad. 

Kung ako tatanungin sana makipag-ugnayan ng maayos ang LTO at Dermalog sa isa’t isa bago maglabas ng mga pahayag. 

Naniniwala ako na mas mabilis maresolba ang isang problema kung ang titingnan ay yung dahilan sa halip na tingnan ang epekto.  

Taumbayan ang apektado at sasalo sa problema ninyong dalawa kaya please lang shape up or ship out!

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x