Natatandaan nyo ba ‘yung pusang nakulong sa ipinasarang laundry shop?
Ito yung inilapit sa #ipaBITAGmo ng isang pet owner na si Daisy Alatraca. Matapos maipalabas ang kanyang sumbong, agad siyang sinamahan ng BITAG.
Upang matiyak na mare-rescue ang pinakamamahal na alaga, nakipag-coordinate ang BITAG sa tanggapan ng City Veterinarian ng Taguig. Kasama ang Taguig PNP, pinuntahan namin ang laundry shop. Buhay ang pusa!
Panoorin ang buong istorya sa official Youtube channel ng BITAG:
