
Kahit na talo ang naging resulta ng laban kontra sa Petro Gazz Angels, inamin ni Chery Tiggo star player na si Mylene Paat na proud siya sa ipinakitang team effort ng kanyang koponan.
“I’m proud of them because we really wanted to win, which makes it even more painful because we gave our all but still ended up losing,” saad ni Paat.
Inamin din ni Paat na kailangan nilang trabahuin ang kanilang mental toughness para sa susunod na konperensya ay handa sila sa anumang laban.
“I think the mental toughness of each player in every game should be treated as a championship game,” dagdag pa nito.
Nakagawa ang league leading scorer na si Paat ng 15 points ngunit hindi naging sapat para sa kanyang koponan.
Sa huli, aabanse ang Petro Gazz Angels sa semi-finals upang makatapat ang PLDT Home Fibr High speed Hitters sa March 21.
Sunod na paghahandaan ni Paat ang 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia kung saan kasama siya sa initial women’s national volleyball team pool.
“For now, I will prioritize the national team. Whatever it takes, I will play for the national team,” saad ni Mylene Paat.