RATINGS NI PBBM, BUMABA

Bumaba sa pangkalahatan ang approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ito ang lumabas sa survey ng Publicus Asia na “Pahayag 2023 First Quarter Survey”.

Sa nasabing survey, nakakuha si Marcos ng 60% approval rating, mas mababa sa 64% kumpara sa parehong period noong panahon ng campaign period noong isang taon.

Bagsak ng 10 points si Marcos sa Mindanao na ngayon ay nasa 63% ngunit tumaas naman ito ng one point sa Visayas.

Samantala, nasa 57% ang trust ratings ni Marcos matapos bumaba ang kaniyang puntos sa Metro Manila, South Luzon at Mindanao habang nakakuha pa ng puntos sa Northern Central Luzon, Metro Manila at Visayas. Ginawa ang nasabing survey mula March 2 to 6, 2023. 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x