RENDON LABADOR HUMINGI NA NG PAUMANHIN

All’s well that ends well.

Ito ang naging tema ng pagwawakas ng alingasngas sa pagitan ni vlogger Rendon Labador at Mr. Bitag Ben Tulfo.

Biyernes ng madaling araw nang mag-post ng video si Labador

“Pinuntahan ko siya kasi gusto ko siya makilala. Isa siya sa mga tao na tinitignan ko din na feeling ko mas makakaintindi sa akin. Isa siya sa mga tao dito sa Pilipinas na nakikita ko na mataas ang kredibilidad. May paninindigan. May isang salita,” ani Labador.

Sa nasabing video inamin ni Labador kay Tulfo na kung ano man ang naabot ni Bitag sa larangan ng public service ay gusto din maabot ng content creator.

“Isa sa pinakanagustuhan ko kay idol Ben Tulfo ay yung sincerity niya sa pagtulong sa mga mahihirap,” ayon kay Labador.

“Nakausap ko siya hindi bilang yung Ben Tulfo na nakikita ninyo sa Bitag. Nakausap ko siya parang bilang ama. Parang mentor,” ani Labador.

Pinayuhan din ni Tulfo si Labador na dapat mag-tone down dahil naiintindihan din niya na may magandang intension.

“Gusto ko po na humingi ng apology sa lahat ng Pilipino na nasaktan at naging emosyonal sa  mga nangyari sa social media. Hindi ko po maa-assure kay Michael V. kay Coco Martin at sa lahat ng mga celebrity or atleta na nadamay sa lahat ng mga isyu na sinisita ko sa internet,” ayon pa kay Labador.

“Hindi kop o maa-assure na hindi ko kayo masasaktan ulit. Pasensiya na for being too straightforward. Ganoon talaga ko pinalaki ng aking magulang,” dagdag in Labador.

Tiniyak pa ni Labador na wala siyang intensyon na bastusin ang sino man dahil ang gusto niya lamang aniya ay makatulong at magbigay ng “pure motivation”.

“Sana matigil na ang fake news. Sana wag na tayong maging maramdamin. Sana lumaban tayo,” pagwawakas ni Labador.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x