ROLLBACK SA PRODUKTONG PETROLYO, KASADO NA BUKAS!

Kasado na ang rollback o tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo bukas, araw ng Martes, Jan. 10, 2023.

Ayo sa abiso ng mga oil players, P0.75 hanggang P2.80 ang ibabawas na presyo sa kada litro ng diesel, gasolina at kerosene.

Sa ulat ng ABS-CBN News Online, ang Seaoil at Pilipinas Shell ay magpapatupad ng tapyas-presyo na P0.75 sa kada litro ng gasoline; P2.80/litro sa diesel; at P2.10/litro sa kerosene.

Pareho din ang bawas-presyo ng Petrogaz sa gasolina at diesel, pero walang anunsyo sa kerosene.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang inilalabas na abiso ang Petron, Flying V at iba pang oil players kung magkano ang ipatutupad nilang price rollback bukas.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x