SAN MIGUEL HINDI KINAYA ANG RYUKYU

Wagi ang Ryukyu Golden Kings upang manguna sa group A ng East Asia Super League Champions Week na ginanap noong Huwebes, Marso 2, sa Nikkan Arena sa Japan.

Nanguna para sa Golden Kings sina Keita Imamura at Jack Cooley na nakapag-bigay ng tig 20 points.

Nakapaglaro naman para sa Ryukyu Golden Kings ang former UP player na si Carl Tamayo na nakapag tala ng 4 points at 2 rebounds.

Habang nakagawa naman para sa Beermen sina Cameron Clark at CJ Perez na nakapag-ambag ng 25 points at 12 points.

Dahil sa pagkatalo ng San Miguel Beermen, nasa ibaba sila ng standing ng group A na may record na 0-1. Kahanay din nila PBA team na Talk n Text Tropang Giga na 0-1 din ang record sa Groub B.

Samantala, na injured naman ang kababalik  lang galing Gilas Pilipinas na si June Mar Fajardo nang magbanggan sila ng import ng Golden Kings na si Jack Cooley sa first Quarter. Hindi na pinabalik pa sa laro si Fajardo dahil sa tinamo na knee injury.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x