Isang sanggol na babae ang naisalba ng mga awtoridad matapos itong itapon umano sa isang sementeryo sa Cataingan, Masbate.
Ang nasabing sanggol ay natagpuan ng mga residente na nakalagay sa isang sako.
Kasalukuyang nasa pangangalaga na ng health workers ang sanggol matapos itong dalhin sa Rural Health Unit upang bigyan ng medikal na atensyon.
Base sa salaysay ng mga nakakita, nakasakay umano sa tricycle ang nagtapon ng sanggol sa sementeryo na agad din natukoy ng pulisya.
Nakilala narin ng mga awtoridad ang ina ng sanggol na umano’y biktima ng panghahalay.