Halos 9 na taon nang nagtatrabaho ang truck driver na si Mark Abalos sa isang construction company.
Ayon kay Mark, nakaraang April 7 ay naglabas siya ng “scrap” o mga bakal mula sa kanyang trabaho, 52 pieces ng scrap na bakal ang inilagay niya sa compartment ng kanyang motor.
Nilabas daw ni Mark ang mga bakal para ibenta at ibigay ang pera sa kanyang katrabaho na hindi pa sumasahod.
Ngunit habang papauwi nahuli sa isang checkpoint sa San Juan City si Mark dahil wala palang OR/CR ang kanyang motor.
Sa checkpoint na rin nadiskubre ang 52-piraso na bakal na kanyang itinago sa motor.
Tinurn-over si Mark ng mga pulis sa barangay upang ma-report ng maayos ang mga bakal
Samantala, tinawagan ng barangay ang kumpanya ni Mark para ipaalam ang sitwasyon nito.
Dahil dito tinanggal daw sa trabaho si Mark.
Panawagan ni Mark sa #ipaBITAGmo, bigyan siya ng pangalawang pagkakataon ng kanyang makabalik sa trabaho!
Abangan ang buong imbestigasyon ng #ipaBITAGmo sa kaso ni Mark.