SEN. IMEE NAIS ALAMIN ANG INTENSYON SA PAGKUPKOP NG PINAS SA MGA AFGHAN REFUGEES

Hinihingan ni Senator Imee Marcos sina current Defense Secretary Gilbert Teodoro at former defense chief Eduardo Año ng paliwanag ukol sa hiling ng United States na bigyan ng special immigrant status sa Pilipinas ang mga Afghan refugees. 

kinuwestyon ni Marcos kung bakit Pilipinas ang napiling lugar ng US para sa Afghan refugees kumpara sa mga bansa na mas malapit sa Afghanistan.

Si Marcos ang chair ng Senate Committee on Foreign Relations.

“During the past year, security and espionage threats have substantially increased because of the sharp escalation in tension between rival superpowers,” ani Marcos na nagtataka sa kung ano talaga ang intention ng nasabing request ng US.

Hiniling ng US na bigyan ng dalawang linggo ang mga Afghans na tumakas sa kanilang bansa dahil umano sa paghahabol sa kanila ng mga Talibans.

Ito ay para mabigyan din ng sapat na panahon ang mga Afghans sa pagproseso ng kanilang US visas.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x