SEN. MARCOS KINUWESTIYON ANG PAGDAMI NG U.S. PLANES SA PINAS

Sinita ni Senator Imee Marcos ang tila pagdami ng bilang ng mga military planes ng United States Air Force sa Manila at Palawan.

Sa isang statement sinabi ni Marcos na may na-monitor silang pag-lipad sa Philippine air space katulad ng isang US Air Force C-17 military transport plane na unang lumapag sa Maynila Biyernes ng umaga. Galing umano ito sa Guam at lumipad din papuntang Palawan bago nagtungo sa Yokota Air Base kinagabihan.

“The flight route from Palawan showed the plane passing over Pampanga, Cagayan, and off the eastern coasts of Batanes and Taiwan before it landed at the Yokota Air Base,” ani Marcos sa kaniyang statement.

Isa pang American C-17 plane mula Tokyo ang nakita North ng Busuanga, Palawan umaga ng Sabado. Pansamantalang nawala ito sa radar hanggang sa makita ulit ito na lumilipad sa Polillo Island bago ito lumabas ng Philippine territory pagsapit ng gabi.

“Too little is known about ongoing US military activity in our territory while we constantly call out the presence of Chinese vessels in the South China Sea,” ani Marcos.

Nanawagan naman si Marcos sa Philippine military at iba pang foreign affairs officials ng bansa na kanilang alamin kung may epekto ang mga ito sa nagaganap na tension sa South China Sea at Taiwan Strait.”I am aware of ongoing exercises with foreign militaries this month. But the same zeal in tracking any violations in our maritime territory and EEZ (exclusive economic zone) must also apply where Philippine air traffic rules and joint military agreements with the US are concerned,” dagdag ni Marcos.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x